Ito ay isang kombertidor ng Tsino na kagamitan na idinesenyo upang palitan ang Pinapayak na Tsino ng Tradisyunal na Tsino, Tradisyunal na Tsino ng Pinapayak na Tsino. Mayroon din itong font generator ng Tsino at kagamitang pinyin ng Tsino.

Paano gamitin ang mga kagamitang ito?

Pagpapalit ng Pinapayak – Tradisyunal / Tradisyunal - Pinapayak

Ang kagamitang ito ay para sa pagpapalit ng wikang tsino mula pinapayak patungong tradisyunal na Tsino at bisebersa. Ilagay ang orihinal na teksto sa kahon na nasa kaliwa. Piliin ang iyong gusto kung ito’y pagpapalit ng teksto patungong tradisyunal o pinapayak na Tsino at pindotin ang “Palitan”. Ang resulta ng iyong pagpapalit ay lalabas sa kahon sa kanan. Ang kagamitang Tsino na ito ay maaring magpalit ng daan-daang linya ng teksto ng sabay-sabay at pananatilihin nito ang orihinal na pagitan. Kung gusto mong palakihin ang kahon, hilahin lamang ang sulok.

Pagpapalit ng Tsino patungong pinyin

Ang kagamitang ito ay para sa pagpapalit ng wikang Tsino papunta sa romanisasyon na pinyin. Ang kagamitang ito ay maaring magpalit ng Tradisyunal na tsino patungong pinyin. Ilagay ang tekstong Tsino sa kaliwang kahon at pindotin ang “Palitan”. Ang resulta ng iyong pagpapalit ay lalabas sa kahon sa kanan. Ang kagamitang pinyin na ito ay maaring magpalit ng daan-daang linya ng teksto ng sabay-sabay at pananatilihin nito ang orihinal na pagitan. Kung gusto mong palakihin ang kahon, hilahin lamang ang sulok. Ipinapakita nito ang pinyin na nasa ibabaw ng mga letra ang mga marka ng tono. Maaring magkaproblema sa kawastuhan dahil ang ilang karakter ng Tsino ay mayroong higit pa sa isang paraan ng pagbigkas.

Pagpapalit ng Tsinong teksto patungo sa pagiging imahe

Ang kagamitang ito ay para sa pagpapalit ng Tsinong teksto patungo sa pagiging imahe. Ito ay pangunahing ginagamit para sa mga proyekto (halimbawa mga pangalang Tsino) na kung saan ay gusto mong magbahagi ng isang bagay sa ibang tao na ang kompyuter ay hindi kayang magpakita ng mga karakter ng Tsino. Ilagay ang teksto ng pinapayak na Tsino sa kaliwang kahon. Piliin kung anong uri ng imahe ang gusto mong lumabas, kung ito ba ay jpeg o bmp. Piliin kung sa aling font mo gustong ipakita ang Tsino, ang mga halimbawa nito ay nasa bandang kanan. Piliin ang sukat ng font mula sa drop-down-menu. Pagkatapos ay pindotin ang kulay sa bar sa ilalim ng “piliin ang kulay ng font” at piliin ang kulay sa gulong ng mga kulay. Pumindot sa kahon upang piliin ang kulay at gawin muli ito para sa pagpili ng kulay ng background. Pindotin ang “likhain ang teksto” at malilikha na ang iyong Tsinong teksto. Maari mo itong i-save sa iyong kompyuter, i-tweet at ibahagi sa Facebook.

200 Kamakailan Lang na Imahe

Ipinapakita nito ang mga imahe na kamakailan lang ginawa gamit ang pang-imaheng kagamitan ng Tsinong teksto.



Copyright © 2012-2019 Shudian Ltd.|Privacy Policy & Terms of Use|Contact us - All rights reserved.